Actions

Difference between revisions of "OPINYON (Watzup Doc)"

From zen2

 
m (1 revision)
(No difference)

Revision as of 08:45, 25 July 2013

Topic A.

Alamin ang sakit na leukemia

  • Ang leukemia ay kanser sa dugo. Nagbabago ang cells (selula) sa dugo ng pasyente at nagiging kanser ito.
  • At dahil dumadami ang cancer cells, natatabunan ang mga normal cells natin, tulad ng red blood cell (pulang dugo) at platelets.
  • Ang sintomas ng leukemia ay dala ng pagkasira nitong 2 klaseng selula: (1) Kumokonti ang red blood cells. Nagi-ging anemic ang pasyente at kailangan salinan ng dugo; (2) Kumokonti ang platelets.
  • Ang trabaho ng platelets ay ang pagbuo ng dugo kapag tayo’y nasusugatan.
  • Kapag nagkulang ng platelets, puwede tayong duguin sa ilong, gilagid at balat.
  • Kapag ika’y madalas magkaroon ng pagdurugo o pagpapasa, ipasuri ang iyong dugo: CBC with peripheral smear. Sa ganitong blood test, matutuklasan kung may leukemia ang pasyente.

Ano ang sanhi ng leukemia? Apat ang posibleng pinanggagalingan ng leukemia:

  1. Genetics — namamana ito sa ating magulang.
  2. Radiation — masama ang laging exposed sa mga X-rays, CT Scan, MRI at iba pang radiation.
  3. Chemicals – masama ang mga ginagamit nating pesticides para sa halaman. Gumamit ng mask at guwantes. Ang benzene, isang kemikal ng plastic, ay puwede ding magdulot ng leukemia.
  1. Smoking — masama ang paninigarilyo. Itigil iyan.
  • Ang leukemia ay ginagamot sa pamamagitan ng chemotherapy, bone marrow transplant at makabagong stem cell treatment.
  • Mahal ang mga pamamaraan na ito at hindi pa tiyak na gagaling ang pasyente.
  • Kailangang ipasuri ang leukemia sa mga ekspertong doktor, na kung tawagin ay Hematologists.

Paano tayo iiwas sa leukemia? Sundin po ang mga payong ito:

  1. Ang mga bata (edad 2 pababa) ay dapat pakainin ng saging at orange 4 hanggang 5 beses bawat linggo.
  2. Sa ganitong paraan, makaiiwas ang mga bata sa leukemia.
  3. Turuan din ang mga bata na kumain ng gulay, tulad ng pechay, kangkong at ampalaya.
  4. Umiwas sa hotdog, tocino, langonisa at hamburger.
  5. Ayon sa pagsusuri, ang mga preserved meats ay puwedeng magdulot ng leukemia.
  6. Hugasan maigi ang gulay at prutas bago kainin.
  7. Siguraduhing walang kemikal (tulad ng fertilizer) na nakadikit dito.
  8. Piliin ang mga organic na manok at itlog. Ang ibig sabihin ng “organic” ay hindi gumagamit ng kemikal sa pag­­ papalaki ng manok at iba pang pagkain.
  9. Mabuhay nang malinis at umiwas tayo sa sakit.

Topic B.

'Nakatutulong ba ang pag-inom ng tea para hindi kabagan?'

  • Makatutulong ang tea para hindi ka kabagan.
  • Uminom ng tea pagkatapos kumain.
  • Ang tea ay nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain.
  • Iwasan mo munang uminom nang sobrang softdrinks.

Lahat ng tao ay nakararanas kabagan

  • Kinakabagan tayo dahil sa pag-increased ng bacteria na nasa undigested carbohydrates at proteins.
  • Pero ang kabag ay maaari ring maging sintomas ng iba pang kondisyon kagaya ng chronic constipation o chronic ulcer.
  • May mga taong madaling magkaroon ng kabag at meron namang hindi.

Ilang paraan para maiwasan ang kabag ay ang mga sumusunod:

  1. Umiwas kumain ng heavy meals, kumain lamang nang marahan at huwag masyadong uminom ng softdrinks.
  2. Makatutulong din para hindi kabagan ang pag­lalagay ng herbs o spices sa pagkain.
  • Ang mga ito ay makatutulong para madaling ma-digest ang pagkain gaya ng repolyo na karaniwang nagiging dahilan ng kabag.
  • Sa pagluluto, kailangang fresh water ang gamitin para ma-reduce ang indigestible sugars na dahilan din ng kabag.
  • Damihan ang intake ng fiber foods para hindi kabagan.

Topic C

Pakwan ang lunas

AYON sa mga eksperto, ang pakwan ay isa sa pinakamagandang prutas sa summer at sa tag-ulan. Malamig, matamis at nakagiginhawa ang pagkain ng pakwan. Ang pakwan ay may 92% alkaline water at mabuti ito sa ating kidneys, pantog, sikmura at bituka.

Maraming vitamin A, vitamin C at potassium ang pakwan. Nakatutulong din ito sa mga may bad breath, sore throat, singaw at impeksiyon sa ihi. At hindi lang iyan, alam mo ba na may tulong din ang pakwan sa paggamot sa bungang araw at heat stroke?

1. Bungang araw o heat rash – Mapula at makati ang rashes ng bungang araw. Mukha itong tigyawat. Nakukuha ito kapag lagi kang nagpapawis. Magsuot ng maluwag at preskong baro na gawa sa cotton. Maligo din sa maghapon. Huwag lagyan ng oily na lotion ang bu­ngang araw.

Ano ang lunas sa bahay?

  • Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin ito sa refrigerator. Ipahid ang loob ng Pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Maginhawa ito sa balat at nakababawas ng rashes.
  • Para mabawasan ang kati: Maghalo ng 1 basong tubig at 1 kutsaritang baking powder. Isawsaw ang tuwalya sa solution na ito at ipahid sa katawan ng 10-15 minuto. Gawin ito ng 2-3 beses sa maghapon para mabawasan ang kati.

2.Kapag mainit ang panahon – Ang heat stroke ay nakukuha sa sobrang init ng panahon. Nahihilo ang mga pasyente at sumasakit ang ulo. Nahihirapan din mag-isip at parang hihimatayin. Tumataas din ang temperature ng katawan.

Tips para makaiwas sa heat stroke:

  • Huwag lumabas ng bahay mula 10 AM hang- gang 4 PM. Kahit nasa beach ka at dapat din umiwas sa pag-swimming ng ganitong oras.
  • Magsuot ng preskong baro na kulay puti.
  • Magsuot ng malaking sombrero o mag-payong.
  • Huwag masyadong mag-ehersisyo kapag mainit. Mas mabilis kasi mapagod ang ating katawan. Dahan-dahan lang.
  • Uminom ng mala­mig na tubig, hanggang 12 baso sa isang araw.
  • At siyempre, kumain ng pakwan!

Ano ang lunas sa bahay?

  • Kumuha ng basang tuwalya at ipunas ito sa katawan.
  • Dalhin ang pas-yente sa malamig o air-conditioned na lugar.
  • Kung gising siya, painumin ng malamig na tubig.
  • Bigyan ng mara-ming hangin para mabawasan ang init sa katawan.

TOPIC D

LAHAT ng tao ay nagkakaedad. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating pag-edad

Alamin natin ang mga payo:

  1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal. Ang katawan natin ay parang kotse at kailangan natin ng enerhiya sa umaga.
  2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser katulad ng prostate cancer at breast cancer. Sa bawat linggo, subukang kumain ng 10 kutsarang tomato sauce o 150 ml.
  3. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Masustansya ang maberdeng gulay at prutas tulad ng mansanas, saging at pakwan.
  4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.
  5. Magbawas din sa sobrang daming kanin. Mas ma­ sustansya ang brown rice at wheat bread.
  6. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay. Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
  7. Mag-alaga ng aso. May mga pagsusuri ang nagsasabi na nagpapahaba ng buhay ang aso sa kanyang amo. Ito’y dahil nagbibigay ng pagmamahal ang aso sa kanyang amo.
  8. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine. Nagpapasaya ito at nakatatanggal ng problema.
  9. Magkaroon ng ma­bait na kaibigan. Makatu-tulong sila sa pagtanggal ng stress sa buhay.
  10. Makipag-sex (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero na­patunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at naka­babawas din sa stress.
  11. Umiwas sa bisyo at peligro. Iwasan ang paninigarilyo, alak, pagpupuyat at drugs.
  12. Matulog ng 7-8 oras bawat araw. Ang tulog ang sadyang nagpapalakas sa ating katawan. Mas mabisa rin po ang tulog sa gabi kaysa sa umaga.

TOPIC E

Pagkaing panlaban sa kanser

Ayon sa libro ni Dr. David, heto ang listahan ng mga panlaban sa kanser:

1. Green tea – Ang green tea ay may sangkap na ca-techins, na nagpapabagal sa paglaki ng tumor. Ayon kay Dr. David, painitin ang green tea ng 5-8 minuto, at uminom ng 2 basong green tea bawat araw. Piliin ang green tea na non-caffeinated, para walang side effect.

2. Pagkaing may curry – Ang dilaw na curry ay mabisang panlaban sa pamamaga ng ugat. Sa pagsusuri, nakatutulong ang curry sa mga taong nag-che-chemothe-rapy para mapabagal ang paglaki ng bukol.

3. Luya – Ang luya ay matagal nang ginagamit sa Asia para gamutin ang pagduduwal, pagsusuka, ubo, sipon sakit ng ulo, sakit ng tiyan at arthritis. Ang matinding amoy nito ay nanggagaling sa sangkap na gingerols, na siyang nagpapagaling sa mga sintomas na nabanggit. May tulong din ang luya sa pagsugpo sa kanser.

4. Cabbages tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts. Ang mga cabbages (repolyo) ay may sangkap na sulforaphane at indole-3-carbinols, na mabisang panlaban sa kanser. Sa pagluluto ng gulay, i-steam o lutuin lang ng bahagya na may kasamang olive oil. Huwag pakuluan ang gulay dahil mawawala ang bisa nito laban sa kanser.

5. Bawang, sibuyas at leeks – Sa pagsusuri, ang mga sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate. Para maging epektibo, ang bawang ay kailangang durugin at prituhin ng kaunti. Huwag sunugin! Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at nakahahapdi ito ng sikmura.

6. Madilaw at mapulang gulay at prutas – Ang mga pagkaing ito ay sagana sa beta-carotene, vitamin A at lyco­pene, na maaaring makapigil sa kanser. Kumain nang maraming karots, kamote, ka­ la­­basa at kamatis (4 K’s). Napa-kasustansya po nito. Sa isang pagsusuri ng breast cancer patients, napatunayan na ang mga pasyenteng malakas kumain ng 4 K’s ay mas humahaba ang buhay kumpara sa mga hindi kumakain nito.

7. Tomato sauce at spaghetti sauce – Ayon sa isang pagsusuri, ang pagkain ng 10 kutsarang tomato sauce bawat linggo (150 ml) ay nakatutulong sa pag-iwas sa kanser ng prostata. Ang pulang spaghetti sauce ay may lycopene na masustansya sa katawan. Umiwas lang sa pagkain ng meatball, hotdog at ham dahil hindi ito maganda sa mga taong may kanser.

8. Taho at tokwa – Ang soy products tulad ng taho at tokwa ay may sangkap na genistein, na maaaring makatulong sa pag-iwas sa breast cancer. Sa isang pagsusuri sa Asia, ang mga babaing malakas kumain ng taho at tokwa ay mas hindi tinatamaan ng breast cancer. Kaya, imbes na uminom ng gatas, puwede kang mag-soya milk. Ang tokwa at sabaw sa miso ay mabisa din. Gayahin niyo ako na mahilig kumain sa vegetarian food (tulad ng Bodhi fastfood). Ang vegemeat ay gawa din sa masustansyang tokwa.

9. Shitake mushrooms na nabibili sa palengke - Ang Shitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian, na nagpapalakas sa ating immune system (katawan). Kapag malakas ang ating immune system, mas hindi tayo magkakasakit. Sa Japan, ang mga pasyeteng nag-che-chemotherapy ay pinapakain ng Shitake mushrooms para bumilis ang kanilang paggaling.

10. Matatabang isda – Ang mga oily fish tulad ng tuna, tamban, tilapia (3 T’s), at sardines ay sagana sa omega-3 fatty acids. Makatutulong ito sa pagbawas ng pamamaga sa ugat at panlaban din sa kanser. Kapag mas maraming isda ang iyong kaka­inin (at babawasan ang kar­neng baboy at baka), mas hindi ka magkakaroon ng kanser.

11. Yoghurt at mga probiotics tulad ng Yakult – Ang pagkain ng yoghurt at pag-inom ng probio-tics ay makatutulong sa pagpapadami ng good bacteria (ang lactobacillus) para sa ating tiyan. Gaganda ang ating pagdumi at makaiiwas tayo sa kanser sa tiyan (colon cancer).

12. Strawberries, blueberries at cranberries – Ang mga ito ay may sangkap na ellagic acid at polyphenols, na tumutulong sa pagtanggal ng cancer cells sa katawan.

Tandaan, para ma­­ka­iwas sa kanser, damihan po ang pagkain nitong 12 anti-cancer foods, at bawasan ang pagkain ng mga bad foods, tulad ng taba, karne, soft drinks at sitsirya.

Topic F

Paano aalagaan ang mga mata?

  • HUWAG nating pabayaan ang ating mata. Puwede rin itong magkasakit at masira kapag tayo’y maging pabaya. Para makaiwas sa mga seryosong sakit tulad ng glaucoma, diabetic eye disease at katarata, sundin ang mga payong ito.
  1. Kumain ng pagkaing mabuti sa mata. Ang maber­­deng gulay tulad ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach, ay nagpapalinaw ng ating paningin. Siyempre ang mapupulang karot, kalabasa at kamatis (3 K’s) ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna, tamban at tanigi (3 T’s) ay mahalaga din.
  2. Magsuot ng sunglass. Bukod sa pagiging sosyal at “in,” pinoprotektahan ng sunglass ang ating mata laban sa masasamang ultraviolet rays ng araw. Ang ultra­violet rays (UV rays) ay puwedeng “makasunog” sa looban ng ating mata (ang retina). Bumili ng sunglass na may markang UV-A at UV-B protection.
  3. Mag-ehersisyo. Alam ba ninyo na ang 30 minutos na ehersisyo ay puwedeng magpababa ng pressure ng mata? Ang paghinga ng malalim at pag-relaks ay maka-tutulong din sa sakit na glaucoma, kung saan mataas ang pressure ng mata.
  4. Mag-ingat sa sports. Puwedeng magsuot ng espes­yal na protection eyeglasses, na nabibili sa mga sports shops. Gawa ito sa polycarbonate, isang uri ng matigas na plastic. Nakita mo ba ang mga NBA players na may suot ng salamin? Ito’y para protektahan ang kanilang mata.
  5. Maghugas maigi ng kamay. Para makaiwas sa sore eyes, maghugas palagi ng kamay. Huwag ding basta-bastang magkamot o punasan ang mata. Gumamit ng panyo o tissue.
  6. Ipahinga ang mata. Puwede mong ipikit ang mata habang ika’y nakasakay sa kotse o kaya ay may kinaka-usap sa telepono. Matulog din ng 7-8 oras.
  7. Maghugas ng mata sa paggising at bago matulog. Gumamit lang ng malinis na tubig.
  8. Ipa-check ang iyong blood sugar. Kung ika’y may diabe­tes, malaki ang tsansang mag­karoon ng diabetic eye disease. Siguraduhin mababa ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng ehersisyo at gamot.
  9. Umiwas sa nakasi­silaw na bagay. Huwag tu-m­itig sa araw at maliwanag na ilaw. Ito ang pinakamahalagang payo para hindi masira ang ating mata. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw.

Mata at paningin

KAPAG tayo’y nagkakaedad, humihina rin ang ating mata. Tumitigas ang lente ng mata at lumalabo ang ating paningin. Ano ba ang mga bagay-bagay na nakasasama sa ating mata?

Ang mga payong ito ay itinuro sa akin ni Dr. Manuel Agulto, isang tanyag na espesyalista sa mata at doktor ng dating First Lady Imelda Marcos.

1. Umiwas sa nakasisilaw na bagay. Huwag tumitig sa araw at maliwanag na ilaw. Ayon kay Dr. Agulto, ito ang pinakamahalagang payo para hindi masira ang ating mata. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw.

2. Huwag magbasa sa dilim. Mahihirapan ang ating mata sa pagbabasa sa madilim. Gumamit ng katamtamang puting ilaw (at hindi dilaw). Huwag idirekta ang liwanag sa mata.

3. Huwag magtrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer o TV. Subukan ang payong “20-20-20”. Ano ito? Bawat 20 minutos sa harap ng computer o TV, tumi­ngin sa malayong lugar (mga 20 feet ang layo) ng 20 segundo. Makababawas ito sa pagod ng ating mata.

4. Isang tip: Ang madalas na pagkurap ng mata ay may benepisyo rin para basain ng luha ang ating mata. Masama kasing matuyuan ang cornea (ang harapan ng mata). Minsan, sa sobrang sipag magtrabaho ay nakakalimutan nating kumurap at ipahinga ang mata.

5. Ihinto ang paninigarilyo. Umiwas din sa usok ng ibang naninigarilyo. Napakasama ng paninigarilyo sa mata dahil puwede itong magdulot ng katarata at pagkabulag. Ang katarata ay ang panlalabo ng lente na nanga­ngailangan pa ng operasyon.

6. Umiwas sa maalikabok at maduming lugar. Napa­ pansin mo ba na kapag nasa mausok o maalikabok kang lugar ay namumula ang iyong mata? Kapag sumakay ka ng jeep o nag-inuman sa bar, hindi ba namumula ang iyong mata? Ito’y dahil nakakairita ang usok at alikabok sa ating mata. Nakasasama po ito sa katagalan.

Para maalagaan ang mata, magpa-check up ng mata bawat 1-2 taon. Maraming sakit sa mata (tulad ng glaucoma) ang walang sintomas. Akala mo ay maayos ang iyong mata pero may diprensiya na pala. Lalo na kung ika’y may diabetes, kailangan mong ipa-check ng maaga ang iyong mata. Nakabubulag ang diabetes. Alagaan natin ang ating mata!

Topic G

Mag-ingat sa mga sintomas

Inuubo

Kalimitan ng inuubo ay dahil sa trangkaso, allergy o dahil sa paninigarilyo. Ngunit may mga seryosong ubo na nanggagaling sa tuberculosis at kanser sa baga. Kapag matindi na ang ubo, magpa-chest X-ray.

Nauuhaw, at ihi nang ihi

Kakaiba talaga ang sintomas ng diabetes. Dahil mataas ang asukal sa dugo, lumalabas tuloy ang tubig at asukal sa ating ihi. Dahil dito, ihi ng ihi ang pasyente at lagi pa siyang nauuhaw. Ang iba ay pumapayat kahit malakas naman kumain. Huwag matuwa kahit pumapayat, dahil baka diabetes na iyan. Ipagamot agad sa doktor.

Nangingitim ang paa at binti

Isa pang senyales ng diabetes ay ang pamamantal at pangingitim ng paa. Ito’y dahil sinisira ng diabetes ang mga ugat sa paa at nagkukulang ang daloy ng dugo at oxygen dito. Uminom ng gamot sa diabetes bago lumala.

Nilalanggam ang ihi

Naku, siguradong diabetes na iyan. Mataas ang asukal sa dugo at lumalabas ito sa ihi.

Maraming bula sa ihi

Posibleng may sakit sa bato o kidney. Normal lang ang makakita ng bula sa ihi, pero may pagkakataon na madami ang bula at hindi kusang nawawala. Posibleng may protina na lumalabas sa ihi. Ipasuri ang ihi at baka may diprensiya na ang bato.

Kumikipot ang dumi

Nakakatakot ang colon cancer, ang sakit ni Presidente Cory Aquino. Wala itong malinaw na sintomas. Ngunit kapag nagbago ang anyo ng dumi na para bang hugis lapis, posibleng may nagbabara sa malaking bituka. Ito’y isang senyales ng colon cancer. Magpasuri sa isang gastroenterologist.

Matinding sakit ng ulo at pagkahilo

Posibleng istrok, altapresyon, o tumor sa utak ang dahilan. Una sa lahat, magpa-check ng blood pressure. Kapag lampas ito sa 140 over 90, posibleng altapresyon ang dahilan ng sakit ng ulo. Kapag nanghina o namanhid ang isang parte ng katawan, posibleng istrok na ito. Magpakita agad sa doktor.

Mabigat ang dibdib

Bantayan ang sakit sa puso. Kung ika’y edad 40 pababa at wala namang ibang sakit, marahil ay hindi delikado ang pananakit ng iyong dibdib. Ngunit, kung may iba ka pang karamdaman, tulad ng altapresyon, may katabaan, mataas ang kolesterol, at may diabetes, kailangan ipa-check agad ang iyong puso. Huwag balewalain ang mga sintomas na ito.

Topic H

Healthy heart: Pagkain sa puso

HETO ang listahan ng pagkaing mabuti sa ating puso at ugat. Damihan ang pagkain nito para maging healthy.

  1. Matatabang isda tulad ng tuna, tamban, tilapia, sardinas at salmon. Sagana ito sa omega-3 fatty acids na nagpapaluwag ng ugat sa puso at utak.
  2. Oatmeal. May sangkap itong omega-3 fatty acids, magnesium, potassium, vitamin Bs, calcium at fiber. Kapag kumain ka ng oatmeal bawat umaga, siguradong malaki ang ibababa ng iyong cholesterol. Subukan ninyo.
  3. Saging. May bagong kasabihan na “Two bananas a day will keep the doctor away.” May potassium, vitamin C, tryptophan at carbohydrates ang saging. Mahalaga ito sa pasyenteng may altapresyon at umiinom ng maintenance na gamot sa puso. Pero ang saging talaga ay para sa lahat.
  4. Kamatis, karrots, kamote at kalabasa. Ang 4Ks na ito ay mataas sa beta-carotene, lycopene, vitamin C at potassium. Maganda ito sa mata at sa puso.
  5. Monggo beans. Mataas ito sa protina, vitamin B, magnesium, omega-3 fatty acids, calcium at fiber. Pampalakas ito ng katawan at abot-kaya pa!
  6. Mani, tulad ng almonds at walnuts. Ang mani ay may good fats, vitamin E, magnesium at fiber. May tulong ito sa puso, ugat at balat natin. Kumain ng isang dakot lang at hindi isang bowl. Piliin iyung mababa sa asin (low-salt).
  7. Tofu, tokwa at soy milk. Mataas ang mga ito sa protein, niacin, folate, calcium at potassium. Ang protina ng tokwa ay mas healthy at hindi nakatataba kumpara sa protina ng karneng baboy at baka.
  8. Spinach at broccoli. May sangkap ito na lutein, vitamin Bs, magnesium, potassium, calcium at fiber. Kung si Popeye ay lumalakas sa spinach, subukan din natin kumain ng spinach. Hindi ako nagbibiro. Mabuti ito sa tiyan, katawan at puso. Nagpapasaya pa ito at pinapaganda ang ating emosyon.
  9. Bawang (Garlic). Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides na tumutulong magpababa ng ating kolesterol at blood pressure. Lutuin ng bahagya ang 2-3 pirasong bawang. Huwag sunugin dahil mawawalan ito ng epekto. Mag-ingat lang sa pananakit ng sikmura sa sobrang pagkain ng hilaw na bawang.
  10. Dark chocolate. May espesyal na sangkap na res­veratrol at flavonoids ang ma­itim na tsokolate. May posibilidad na ang resveratrol ay puwedeng makapagpabata sa atin. Mas healthy ang dark chocolate kumpara sa milk cho­colate, na puro gatas at ma­baba sa cocoa. Kumain ng 1-2 piraso lang para hindi tumaba.

Topic I

Ginger or Luya in tagalog

Health Benefits

Dry ginger can be used to cure indigestion, chest irritation,for wheezing, for cough, for stomach bloating, earache etc. Dry ginger powder mixed with sugarcane juice and taken first thing in the morning cures stomach irritation. Dry ginger ground and made to a fine paste and applied on the forehead cures headache. When applied externally to throat it cures throat pain. Dry ginger and sugar candy of equal quantity powdered and one tablespoon of the powder taken internally in tender coconut water cures chest pain. Boil water with few pieces of dry ginger. Drinking this water helps in maintaining good health. Dry ginger ground into a fine paste and applied externally is an excellent remedy for swollen joints.

Home Remedies for cold & cough • Keep the body warm always. Close the ears with a blanket or large piece of cotton. Wear socks for the foot. • Take half spoon of ginger juice, half spoon of honey. Mix it and take it thrice a day. Ginger will help in removing the phlegm. • Mix 1 spoon of lime juice and 1 spoon of honey in a cup of water. Drink this frequently (atleast 5 times) in a day. • For dry cough, take a piece of ginger, peel it and chew it with some salt. • Ginger tea is also good for dry cough. • Take 1 spoon of cardamom,dry ginger powder, black pepper and cinnamon. Add 4 spoons of sugar . Grind the mixture into fine powder. Mix half spoon of this powder with honey twice a day after having food. • For sore throat, gargle with warm water. Adding a spoon salt to the water will be best. Do this gargling in the morning and at night. • Make a paste of half a spoon of turmeric powder, a pinch of black pepper powder and 1 spoon of honey. Take this paste after having food. Drink a cup of milk after this. This will have wonderful effect for common cold and cough. • Take 4 cups of water. Add half a spoon of sukku (dry ginger) podi. Boil the water. Cool it and drink this water for the whole day. Do not drink the 3 cups at one time. Take it in some interval of time. • Take 1 spoon of tulasi, 1 spoon of ginger juice and 1 spoon of honey. Mix it and have it in the morning. This will give a great relief.